December 23, 2024

PHI-NADO ni Pineda nagsagawa ng training program, suportado ng PSC

PINANGASIWAAN nina Southeast Asia Regional Anti-Doping Organization (SEA-RADO) Representatives  Nazima Begum Kassim  at Irene Tan ang pagsasagawa ng Doping Control Officer’s Re-Accreditation Training Program Onsite Written and Practical Examinations nitong Oktubre 22-23 sa Holiday Inn Suite sa Makati City.

Kabuuang 15 DCO’s ang  sumailalim na sa inisyal na programa sa nakalipas na taon ang nakilahok at nabigyan ng sertipiko sa  programa ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO).

Sinabi ni PHI-NADO head Dr. Alejandro Pineda na ang inisyatibo ay bahagi ng pagpapatibay ng pundasyon ng anti-doping program sa bansa at bilang pagtalima rin sa program na isinusulong ng World Anti-Doping Organization (WADA).

Suportado rin ang programa ng Philippine Sports Commission  (PSC) sa pamumuno ni Chairman  Noli Eala. Ang Phi-NADO ay palagiang aktibo sa tuwing lalahok ang Pilipinas tuwing may international competitions tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games at Olympics bilang medical frontliners ng mga atleta at buong delegasyon.