BABAKBAK na ang kauna-unahang bare knuckle fight night sa Pilipinas. Ang naturang labanan ng mga mandirigma sa lona na inorganisa ni URCC (Universal Reality Combat championship) chief Alvin Aguilar ay encuentro ng mga protagonista na sapakang walang gamit na gloves sa kamay.
Tampok itong masasaksihan sa main event ng The URCC 80 Bare Madness sa Oktubre 27 sa Xylo Uptown BGC sa Taguig.
Magbabanatan sa lona sina Kerjhons Mr.Mainit vs Map Soberano na inaasahang nagbabaga sa init ang bakbakan.
Ang iba pang bare knuckle fighters ay tatampukan nina Kimbert Alintozon vs JV Baldonasa sa 125 lbs, Elias Duran vs Rommel Esparas sa 145 lbs at Rocky Vergara vs Marvin dela Cruz sa 125 lbs,
Nasa fight card din ang mga Mixed Martial Artists na sina Ruel Catalan vs Edrion Macatangay sa125lbs MMA, Jason Margallo vs Wilson Nanaguio sa 135 lbs MMA at John Ornido vs Janedie Bernardo sa 135 lbs MMA.
“First time itong bare knuckle fight knight sa Pilipinas kaya sinisiguro nating maging di maging out of bounds ang laban. Alam naman ng ating fighters ang mga panuntunan sa laban, they will surely abide by the rules, bakbakan na!” wika ni URCC chief Aguilar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA