KULUNGAN ang bagsak ng isang mister na wanted sa kasong carnapping sa Manila matapos masakote ng pulisya sa joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Marvilo Paredes, 58 ng Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper, Navotas City.
Ayon kay Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Navotas police ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. BBN kaya nagsagawa ang mga ito ng validation.
Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng SIS, Warrant Section, TMRU at SRU sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng joint manhunt operation alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:55 ng hapon sa C-4 Road, Brgy. BBN habang nagmamaneho siya ng taxi.
Ani PLt. Rufo, si Paredes ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong October 23, 2019 ni Judge Tita Bughao Alisuag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 01, Manila para sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA