KABILANG ang suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa “person of interest” sa pagpaslang sa radio broadcaster Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid.
Ito ang kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Jesus Crispin Remulla.
“Definitely he is a person of interest at least for the reckless imprudence that is already being sought by the Mabasa family,” ayon kay Mabasa.
Napag-alaman niya na plano ng pamilya Mabasa na magsampa ng kaso laban kay Bantag dahil sa reckless imprudence resulting in murder.
Ipinunto pa niya na may karapatan ang pamilya na sampahan ng kaso si Bantag.
“That is the option of the family. It is within their legal options,” saad niya.
Dahil sa pagkamatay ni Jun Villamor, ang umano’y middleman sa Percy Lapid killing, sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong nakaraang Oktubre 8, isinailalim ni Secretary Remulla si Bantag sa presentive suspension habang gumugulong ang imbestigasyon.
Ayon kay Remulla, utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspendihin si Bantag upang pigilan ang posibilidad na maimpluwensiyahan at ma-pressure ang mga witness o pakialaman ang mga ebidensiya.
Samantala, pinag-iisipan na ng pamilya ni Percy Lapid na sampahan ng kasong administratibo at kriminal si Bantag.
Ayon kay Atty. Berteni Causing, abugado ng pamilya Mabasa, gagamiting basehan ang pahayag ng self confessed gunman na si Joel Escorial na kung hindi, aniya, dahil sa kapabayaan ni Bantag ay hindi makapapasok ang cellphone sa loob ng New Bilibid Prison at walang magagawang transaksyon para mapatay si Mabasa.
Ito umano ang magiging dahilan ng administrive case laban kay Bantag, bukod pa sa posibilidad na sampahan ng criminal case na reckless imprudence resulting to murder.
Hindi sinabi ni Causing kung kailan nila planong isampa ang kaso laban kay Bantag.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?