ARESTADO ng mga awtoridad sa manhunt operation in relation to SAFE NCRPO ang isang lalaking wanted matapos kumuha ng police clearance sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Tranquilino Jasmin Jr, 38 ng of 379 Lapu-Lapu Avenue, Brgy. NBBN.
Ayon kay Col. Ollaging, kumuha ng police clearance si Jasmin sa Navotas City Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen subalit, dahil sa sistematikong pangangasiwa ng mga ulat criminal ay nabistong may kasalukuyan siyang kaso sa ilalim ng RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Kaagad dinakip si Jasmin ng mga tauhan ng National Police Clearance sa pangunguna ni PSSg Delson Kawiking at PCpl Samy Liniasan sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Felix Rivera dakong alas-10:05 ng umaga.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ronald Q. Torrijos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City para kasong paglabag sa RA 7610.
More Stories
P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)