November 24, 2024

Cemetery pass sa paggunita ng Undas sa Navotas

Bilang paghahanda sa nalalapit na Undas, sinimulan ng linisin ng nakatalagang mga benepisyaryo ng TUPAD ang paligid ng Navotas Public Cemetery at NavoHimlayan Crematorium and Columbarium. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, magbubukas ang mga pribado at pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Navotas mula October 30 hanggang November 3, 2022 para sa publiko na gugunita ng mga namayapang mahal nila sa buhay. (JUVY LUCERO)

INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na bukas para sa mga gustong bumisita sa namatay na mahal nila sa buhay ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa October 30 hanggang November 3, 2022.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, para maging ligtas at maayos ang paggunita ng Undas ay kailangan sundin ang mga patakaran.

Kumuha ng cemetery pass dalawang araw bago bumisita sa puntod at para makakuha nito, mag-TEXT JRT na nakalagay ang pangalan, address, edad, petsa, at araw ng pagbisita sa mga cemetery (public, catholic, immaculate garden).

Hintayin ang reply ng TEXT JRT para sa cemetery pass. Ang pass ay magagamit lamang ng tatlong tao alinsunod sa schedule na nakalagay. Ipakita ang cemetery pass at vaccination ID sa mga nakabantay sa sementeryo.

May walong time slot ang pagbisita, 7am-9am, 9am-11am, 11am-1pm, 1pm-3pm, 3pm-5pm, 5pm-7pm, 7pm-9pm at 9pm-11pm.

Paalala ng lokal na pamahalaan, iwasang magdala ng inuming nakalalasing, bawal magdala ng ng kahit anung uri ng patalim o matutulis na bagay na nakakasakit, bawal magsugal, bawal lumikha ng ingay, magsuot ng face mask at siguraduhing may 1-2 metrong distansya mula sa mga kasama.

Pakiusap din pamahalaang lungsod, huwag na magsama ng mga bata o matatanda para masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan.