PERSONAL na pinangunahan at sinaksihan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang deportation o pagpapauwi sa mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga POGOs o Philippine Online Gaming Operators.
Batay sa report ng Bureau of Immigration, dakong alas-2:40 ng hapon kahapon ay bumiyahe pauwi sa Wuhan, China, lulan ng Philippine Airlines flight PR 316 ang anim na Chinese illegal workers.
Kinumpirma naman ng Department of Justice na mayroon pang mahigit 400 Chinese POGO workers na nasa kanilang kustodiya ang nakatakda na rin ideport.
Kaugnay nito ay kinansela na rin ng Bureau of Immigration ang visa ng 1,424 Chinese workers sa mga illegal POGO outlets.
Samantala sa kabuuan ay umabot sa 48,782 employees ang kailangang pabalikin sa China.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY