November 2, 2024

NAVOTAS NAGBUKAS NG MAS MARAMING LIVELIHOOD OPPORTUNITIES

ANG pamahalaang lungsod ng Navotas ay nagbigay ng mas maraming livelihood opportunities at tulong sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Mayor John Rey Tiangco.

Nasa 3,685 Navoteños ang nakakuha ng pansamantalang trabaho sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Worker (TUPAD).

40 rin ang nakinabang sa Navotas Government Apprenticeship Program, at 37 ang sumali sa Government Internship Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang lungsod, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ay nagbigay ng kagamitan sa pangingisda tulad ng fishing nets, bottom set gill nets na may nylon monoline, lead sinkers, at hard rubber floats sa 20 rehistradong mangingisda.

Bukod dito, 450 na may-ari ng fishing boat ang nakatanggap ng fuel subsidy mula sa ahensya.

Nagbigay din ang Navotas ng iba’t ibang pagkakataon para sa mga negosyante sa pamamagitan ng hands-on skills training at seminar.

Ang NavotaAs Hanapbuhay Center held Hanapbuhay Caravans and Tulong Trabaho on Wheels ay nakapagsilbi sa 905 beneficiaries.

Nagkaroon din ang lungsod ng mas maraming skilled workers kasunod ng pagtatapos ng 328 na estudyante mula sa Navotas Vocational Training And Assessment (NAVOTAAS) Institute.

Namahagi din ito ng P1,000–P3,000 na tulong pangkabuhayan sa mga Navoteño sa pamamagitan ng programang NavoAhon Ayuda.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay 400 mga displaced worker; 105 delivery riders, jeepney, tricycle at pedicab drivers; 21 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 60 negosyanteng hindi pinayagan sa panahon heightened quarantine restrictions; at 180 bagong may-ari ng negosyo.

“We cannot emphasize enough the significance of having gainful employment and stable income,” ani Tiangco.

“We will continue to push for more programs and service that would help provide more decent jobs and livelihood opportunities to Navoteños,” dagdag niya.