ITINUTURING ng retiradong Filipino boxing icon 8-world division champion na si Manny Pacquiao na ang kanyang exhibition fight kontra South Korean ‘You Tuber’ fighter ay senyales na ng kanyang pagbabalik sa lona.
“My comeback in the ring,” ani Pacquiao upang ipahiwatig sa madla na siya ay “still there in boxing.”
Ang 43-anyos na alamat ay retirado na noong nakaraang taon upang makipagsapalaran sa pampanguluhan sa bansa noong nakaraang halalan ay nahahalintulad din sa dati niyang karibal na si Floyd Mayweather, Jr. sa pagpokus ng mga exhibition matches matapos ang kanilang pro-boxing career.
Kakalabanin sa isang exhibition bout ni Pambansang Kamao si DK Yoo sa Seoul, Korea sa Disyembre 11 para sa isang kawanggawang tunggalian para sa mga taga-Ukraine at kanyang kababayang mahihirap sa Pilipinas.
Sa kanyang public appearance upang i-promote ang bakbakan, nais pang patunayan ni Pacquiao na hindi pa siya lubos na retirado.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY