IGINIIT ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa Philippine National Police (PNP) na rebyuhin o magsagawa ng educational awareness program sa PNP personnel at staff ukol sa religious at cultural sensitivity partikular na sa tamang paggamit ng terminong Muslim at Islam at itigil na ang bias at marginalization laban sa minority Muslim Filipino communities sa bansa.
Ito’y matapos ang nangyaring hostage taking sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City noong Linggo kaugnay sa tatlong katao na nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya na umano’y miyembro ng Abu Sayyaf Group at Dawlah Islamiya terrorist group.
Ginawang hostage si dating senator Leila de Lima subalit na iligtas din kalaunan.
Sa kuha ng video footage habang nagaganap ang insidente ay maririnig ang isang police personnel na nagsasabing, “tatlong Muslim daw yung nang-hostage,” na itinuturing ng NCMF na “generally very abusive to all Muslims.”
Sa press conference, pinalalahanan ni NCMF spokesperson Yusoph Mando si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr, sa tamang paggamit ng religious terms tulad ng “Muslim” at “Islam.”
“The entire Commission would like to respectfully recommend to the Chief of the PNP to review or conduct an educational awareness program for their PNP personnel and staff on religious and cultural sensitivity,” saad ni Mando.
Inilahad din ni Mando ang isang kaugnay na usapin tungkol sa pagkaing inihahain sa mga Muslim detainee.
May mga natatanggap na ulat ang opisyal ng NCMF kaugnay sa pagpapakain ng karne, na bawal sa kanilang relihiyon.
“We also call on the PNP to be culturally sensitive in preparing the food of the inmates and ‘Persons Deprived of Liberty,’” saad niya.
“This incident should serve as an eye-opener to us. Sana iwasan na natin ang pagkakaroon ng ganitong insidente para di na magkaroon ng kaguluhan at pagkakahati-hati, Muslim man o Kristiyano,” dagdag ni Mando.
No to discrimination
Iginiit din ng NCMF sa publiko na iwasan ang pagiging bias, prejudice, stereotype, marginalization at diskriminasyon laban sa Muslim Filipino communities sa bansa.
“Ang diskriminasyon ay nangyayari sa araw-araw at paulit-ulit sa trabaho, sa pagpasok sa mall ng mga Muslim. Wag nating udyukan ito at wag sagarin ang pasensya ng mga Muslim,” saad ni Mando.
Sinopla rin ng NCMF executive ang mga gumagawa ng joke kaugnay sa paglaganap ng “DVD piracy” sa mga Muslim.
“Konti lang po ang involved dito. Hindi lahat ng Muslims ay involved sa alleged DVD piracy. Sana ang mga ganitong sitwasyon ay iwasan at saliksikin at alamin kung sino ang Muslim,” saad niya. “Ito rin po ang panawagan ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. pasa sa pagkakaisa at kaunlaran,” dagdag niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY