HINIGITAN ng Ateneo de Manila ang University of the Philippines (UP) sa titulo bilang numero unong pamantasan sa Pilipinas, ayon sa Times Higher Education World University Rankings
Nakapasok ang Ateneo sa 351-400 bracket habang ang pangunahing state university sa bansa ay dumausdos sa 801-1000 bracket mula sa 601-800 bracket noong nakaraang taon.
Ang overall score ng Ateneo ay 45.0-46.9 base sa kalidad ng pagtuturo, research, citations, international outlook at industry income. Ang UP naman ay nakakuha ng overall score na 29.8-33.9.
Dalawa pang unibersidad ang pasok sa rankings. Ito ay ang De La Salle University, na nasa 1201-1500 bracket at ang Mapua University na nasa 1501+ bracket.
Sa buong mundo, nanguna ang University of Oxford habang sa buong Asya, bumandera ang Tsinghua University ng China. Sa Southeast Asia, patok ang National University of Singapore. Kabuuang 1,799 university mula sa 104 bansa ang nakapasok sa ranking ng Times Higher Education.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA