November 5, 2024

EPAL BAWAL SA CDO

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro City ang pagbabawal sa “political branding” sa lahat ng government properties.

Sa inilabas na memorandum order, inatasan ni Mayor Rolando Uy ang lahat ng department head na tanggalin ang lahat ng pangalan, imahe o larawan ng sinumang politiko o partido sa lahat ng government-owned materials.

Ipinagbabawal din sa kautusan ang mga stickers o anumang identifiable marking ng lahat ng public officer sa government properties.

“Being an advocate of the “Anti Epal Law” introduced by (former) Senator Emmanuel D. Pacquiao… (the undersigned) adheres to an anti-epal Policy in this current administration,” ayon kay Uy.

Ang “Epal” ay isang slang Filipino word na naglalarawan sa taong may excessive attention-seeking behavior tulad ng paglalagay ng kanilang pangalan sa government projects. Nabanggit din ni Uy ang 2021 directive ng Anti-Red Tape Authority para sa local governments na pinatatanggal ang pangalan at mukha sa lahat ng public documents.