CLARK FREEPORT ZONE, PHILIPPINES – Inihahandog ng Capampangan in Media, Inc. (CAMI) ang highly acclaimed singing group na ArtiSta.Rita, sa pangunguna ng versatile performing artist na si Andy Alviz, na magtatanghal sa Nobyembre 25 sa Royce Hotel sa isang event na pinamagatang “Renaissance of Kapampangan Art and Culture.
“The event will honor the staunch patrons and supporters of Kapampangan arts and culture and distinguished Pampangos who will be conferred awards of excellence in various fields,” ayon kay CAMI president Ashley Mabanat.
Tampok din sa naturang event ang sikat na likha ng fashion genius at philanthropist Philip Torres na makadaragdag sa glamour at grandeur sa event, ayon kay Manabat.
Sa kabilang banda, si Alejandro “Andy” Alviz, pinuno ng ArtiSta.Rita, ay inialay ang kanyang buhay para sa muling pagsilang ng sining at kultura ng Kapampangan bilang mang-aawit, kompositor, direktor at koreograpo. Sa kanyang kasiningan, patuloy na hinahangad ni Alviz na magkaroon ng pag-asa at pagtutulungan ng mga mamamayan ng Pampanga. Sa labas ng kanyang sariling musika, nagsilbi siya bilang resident choreographer para sa Miss Saigon productions sa Singapore, Hong Kong, Korea at Manila at bilang stage director-choreographer para sa Binibining Pilipinas.
Nilalayon ng CAMI na isang non-stock, non-profit, non-political, organisasyon ng mga kagalang-galang na mamamahayag na may dugong Capampangan, na buhayin at palakasin ang sining, kultura at heritage. Layunin nitong itaguyod at depensahan ang malayang pamamahayag at isulong ang kapakanan at interest ng mga mamamahayag sa pangkalahatan.
Layon din ng Cami na iangat ang kakahayan at propesiyonalismo ng Capampangan journalist at nagsisikap na tulungan ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan at itaguyod ang kanilang kalusugan at kagalingan.
Ang mga kikitain para sa proyektong ito ay tutustusan ang ilang mga proyekto at programa ng CAMI tulad ng mga proyekto sa paglalathala ng libro, programa sa tulong medikal at ang regular na media forum sa Clark.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA