December 26, 2024

Para makontrol inflation… SAMBAYANAN ‘WAG BUMILI NANG SOBRA – NEDA

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa buong taon, lalo na ngayong holiday season, pinayuhan ng top official ng National Economic Development Authority (NEDA) ang mga consumer na kontrolin ang pagbili ng mga produkto upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bumilis ang inflation nitong Setyembre sa 6.9% mula sa 6.3% noong Agosto dahil sa mataas na presyo ng bilihin at utilities cost.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority at Department of Finance, inaasahan na mananatiling mataas ang consumer prices sa last quarter ng 2022 dahil sa mataas na transportation at foods cost, at maging dahil sa presyur na dala ng paghina ng piso at pinsala sa crop sector dahil sa bagyong Karding.

Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon nasa kamay din ng mga mamimili ang pagkontrol sa ibayong pagbilis ng inflation.

“Dahil ang inflation ibig sabihin ay mataas ang demand tapos kakaunti ‘yung mga produktong nabibili,” ayon kay Edillon.

Sinabi pa ng opisyal na mayroong dalawang paraan para matugunan ang mataas na inflation – pababain ang demand at itaas ang produksyon,

Para sa demand side, pinayuhan ni  Edillon ang consumer na “bawasan lamang natin ay ‘yung sobra na pagbili.

“Pagtaas ng presyo natin ay external ang kadahilanan… outside our control,” anito na ang tinutukoy ay ang patuloy na girian sa pagitan ng Russiaat Ukraine conflict at ang tumataas na  interest rates sa Estados Unidos.

“‘Yung nasa control natin yung demand. Bawasan natin ‘to,” ayon kay Edillion.

Pinayuhan din nito ang mga  mamimili  na gawing simple ang pagdiriwang ng Pasko at holiday celebrations.

Gayunman, inamin nito na ang kanyang payo ay hindi  applicable sa lahat ng pamilyang Filipino.

“Hindi po ‘to sa lahat… Alam naman natin na may mga pamilya na sobra-sobra kung maghanda ng pagkain,” anito. Samantala, sa  supply side naman, sinabi ni Edillon na ang pamahalaan ay mayroong programa para palakasin ang produksyon.