TULOY ang sabak sa España ng mga pambatong senior at junior wrestlers/ grapplers ng bansa matapos aprubahan ng Philippine Sports Commission ang suportang pinansiyal sa biyahe ng Team Wrestling Philippines.
Personal na nagkortesiya si Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar kay Philippine Sports Commission chairman Noli Eala at malugod na sinambit nang una na aprubado na ang financial assistance kaugnay ng paglahok ng Pilipinas sa United World Wrestling Grappling Championship na bubuno sa Pontevedra, Spain sa Oktubre 12-15, 2022.
“Maraming salamat kay chairman (Eala) na sa unang pagkilala namin ay napakadali niyang kausapin at tunay na may malasakit sa sports. Wala nang ligoy pa nang makita nita ang kahalagahan ng event para sa bansa ay aprubado agad kaya go ang ating wrestlers/grapplers sa Spain… bakbakan na!” wika ni Aguilar. Ang mga pambatong Pinoy wrestlers/grapplers ay kinabibilangan nina Fierrie Afan, Lucas Aguilar, Lucio Aguilar, Soeffer Callada, Gabriel del Rosario, Antonio Margiotta, Joaquin Marte Jiah Pingot, Aisa Ratcliff at David Zaldarriaga.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund