HINILING ng mga cardiovascular doctors na miyembro ng Philippine Heart Association na dagdagan ng buwis ang mga Trans Fat Food o mga mamantika na pagkain.
Kasabay ito ng paggunita sa World Heart Day kung saan isinusulong ng mga heart disease doctor na taasan ang sin tax ng mga pagkain na wala namang dagdag benepisyo sa katawan ng tao.
Sinabi ni Dr. Luigi Pierre Segundo, Director ng Philippine Heart Association at Advocacy Chairman ng Puso sa Puso World Heart Day Special, mula sa dating 50 anyos, naitala na ngayon ang 30 anyos na pagkakaroon ng sakit sa puso.
Sa Pilipinas umaabot sa 345 ang namamatay kada araw dahil sa atake sa puso dahil sa pagkain ng mga trans fat food, paninigarilyo at kawalan ng ehersisyo.
Sa ngayon, nakabitin sa Kongreso ang panukalang batas na magdadagdag buwis sa mga sugared drinks, sigarilyo at vaping products; at ng pagbabawal sa mga artificial trans fatty acids.
Para naman kina Dr. Jonray Magallanes, isang pulmonologist at Dr. Florianne Kristin Espana, medical nutritionist, ang paninigarilyo ay hindi lamang nagdudulot ng kung cancer bagkus mas mataas ang porsyento ng heart attack at heart failure.
Nagbabala din ang mga cardiovascular doctors na prone din ng heart problems ang mga nasa Computer and online workers.
Nababahala din ang Philippine Heart Association dahil sa paglaki ng Trans Fat industry sa bansa na karaniwang ang mga customers ay mga gumagawa ng cakes, nagluluto ng mga fried foods, repackaged snacks, cooking oils na ginagamit sa mga restaurants, tahanan at mga Street foods.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY