PINARANGALAN ni Manila Mayor Honey-Lacuna Pangan ang Olympian pole vaulter at “Batang Tondo” na si Ernest John Obiena, kaninang umaga kasabay ng regular flag raising ng City Hall ng Maynila.
Mainit ang naging pagsalubong kay Obiena ni Lacuna, kasama ang lahat ng opisyal ng Manila LGU.
Sa kanyang talumpati kinilala ng alkalde ang mga nagawang tagumpay at naimbag ni Ej Obiena sa larangan ng sports.
Saad pa ni Lacuna maliban sa OFW, ang nga Filipinong atleta ay maituturing ding bayani ng ating bansa.
Anang alkalde, naglabas ang Manila City Council ng mga resolusyon upang kilalanin ang mga karangalang naiuwi ni Obiena para sa bansa.
Pinagkalooban rin siya ng city government ng P300,000 cash incentives dahil sa pagkapanalo ng 12 gold, dalawang silver, at tatlong bronze medals sa loob lamang ng walong buwan sa kanyang nilahukang European at Asian competitions.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY