NAGKALOOB ng COVID-19 vaccination booster shots ang Philippine Sports Commission sa pakikipagtulungan ng Department of Health at City Government of Manila sa mga atleta, coaches at mga kawani ng PSC kamakalawa sa Rizal Memorial Coliseum.
Kabilang sa mga nasa 160 atleta at coaches si Tokyo Olympian Cris Nievares at mula sa mga sport na Baseball, Canoe Kayak, Karate, Olympic Rowing, Table Tennis, Judo, Kurash, Gymnastics, Taekwondo, Water Polo at Diving ang naturukan sa naturang vaccination drive.
Sinabi ni PSC Chairman Jose Emmanuel ‘Noli’ Eala na kaugnay ng pagbukas na ng mga pasilidad sa naturang ahensiyang pang-sports ng bansa.
“It is also vital that we remain vigilant ang protected against Covid-19.Our athletes,coaches and employees who serve them need to be secured, protected and cared for as we begin transition and the return of our sports activities and events,” ayon kay Eala.
Abot sa 400 boosters vaccines ang na-administer sa isang araw na health activity.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY