CAMP CAPINPIN, RIZAL – Nasamsam ng tropa ng gobyerno ang sari-saring mga baril at pampasabog na itinatago ng CPP-NPA-NDF sa San Juan, Batangas.
Ayon sa inilabas na kalatas, dahil sa ibinigay na impormasyon ng dating rebelde, naging matagumpay ang isinagawang combat operation ng tropa ng 59th Infantry Battalion sa Barangay Sampirong Bata sa San Juan upang matagpuan ang ikinukubling mga armas at pampasabog na pagmamay-ari ng Southern Tagalog Regional Party Committee’s units na nag-o-operate sa naturang lugar.
Kabilang sa mga narekober ay dalawang M16 rifles, isang caliber 45 pistol, isang 6-kilogram improvised AP landmine, isang M16 rifles lower receiver, 200 na piraso ng .45mm live ammunition, 150 piraso ng 5.56mm live ammunition at isang improvised hand grenade.
“The discovery of the arms cache and other war materials prove the rebel returnee’s sincere desire for genuine peace. This breakthrough will weaken the arms capability of the terror groups to perform hostile attacks in Batangas,” ayon sa pahayag ni 2nd Infantry Division Acting Commander Brig. Gen. Rommel K. Tello.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY