November 2, 2024

RIZAL MEMORIAL AT PHILSPORTS HANDA NA SA TRAINING NG MGA ATLETA – EALA

TODO arangkada na ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paghahanda sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at Philsports Complex na maging siyento-porsiyentong operational ngayon taon bilang main training venues para sa pambansang koponan.

Sinabi ni PSC Chairman Noli Eala na ang naturang ahensiya ay kumahog na sa panegurong naipaparating sa national team at grassroot partners ang serbisyo ng PSC gayundin ang preparasyon sa mga pasilidad para sa training at aktwal na  kumpetisyon.

“We are excited to see the national athletes back in training in these facilities,” ani Eala.

 Kasalukuyang ginagawa ang rehabilitasyon at kumpuni sa dalawang major facilities na Rizal Memorial Coliseum at Ninoy Aquino Stadium matapos na naging pansamantalang Quarantine at Medical Centers ng mga pasyente ng Covid-19 mula 2020 at ibinalik lang ng Armed Forces ot the Philippines ang kontrol sa mga pasilidad noong nakaraang Hulyo,2022 lamang.

Ang RMSC Baseball at Softball Field, Tennis Center, Swimming at Diving Pool, Wushu at Wrestling Gyms, Billiards at Judo Hall ay kasalukuyang ginagamit na ng national teams para sa training. Ang bagong tayong Squash Center ay bukas na para sa mga atleta nito.

Inihahanda na rin ang mga pasilidad sa RMSC Badmimton Hall at Table Tennis Center habang ang NAS ay sarado pa hanggang Setyembre 30.

Tiniyak din ni Eala na ang health safety protocols ay pinatutupad para sa kapakanan ng mga atleta.