KASADO na ang pagsulong ng pinaka-prestihiyosong tunggalian sa larangan ng ahedres sa lalawigan ng Marinduque.
Ang 1st Governor’s Cup Tournament na itinakda sa Nobyembre 9,2022 sa Boac Convention Center ayon kina organisador Engr. Lauro Bautista at G. Giovanni Buhain (event coordinator) ay handog ng pinagpipitagang ama ng lalawigang si Governor Presbitero Velasco, Jr. na todo suportado naman ni Cong. Lord Allan Velasco para sa mga kabataang babae at lalaking may potensiyal na mag-alay ng karangalang pang-sport sa probinsiya at sa bansa sa malaong hinaharap. Gayundin sa mga adults, executives, seniors at kiddies na sasabak sa isang araw ng chess festival sa naturang kabisera ng Marinduque.
“Inaasahan namin ang paglahok ng mga entusiyastikong chess players sa open, kiddies, female division maging mga unrated ay bukas sa paglahok kung saan ay taginting ang mga papremyo sa mga mamamayagpag sa kaganapan. Pati dayuhan ay welcome sa ating Boac sport event”, wika ni Buhain sa panayam sa kanyang paglahok kahapon sa sumulong na 2022 National Executive Chess Championship NCR leg sa Robinson’s Magnolia sa New Manila Quezon City kasama si Engr. Bautista.
“We organized this momentous sport event to help the youth to be disciplined in their way of life through playing chess”, ani pa Buhain ,Contractor( government projects) by profession at staunch supporter ng kasalukuyang administrasyon.
Sina Engr.Bautista at Buhain ang founders ng Boac Chess Knight League.
Matapos na naging panauhing pandangal sa nakaraang chess tournament sa Boac si Asia’s first chess Grandmaster Eugene Torre ay inimbitahan na ring special guest ang kauna-unahang Pinay na naging WGM na si Janelle Mae Frayna sa parating na Governor’s Cup.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA