NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng livelihood assistance sa mas maraming Navoteños na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Umabot sa 766 beneficiaries ang nakatanggap ng cash aid na nagkakahalaga sa P1,000–P3,000 sa ilalim ng NavoAhon Ayuda program.
Sa mga ito, 400 ay mga displaced worker; 105 delivery riders, at jeepney, tricycle at pedicab drivers; 21 na naghahanap ng trabaho na nagtapos noong 2020-2021; 60 na negosyante na ang negosyo ay hindi pinayagang gumana sa heightened quarantine restrictions; at 180 bagong may-ari ng negosyo.
“The number of COVID-19 cases is now declining. More Navoteños are now able to return to work and businesses have resumed operations. However, many are still struggling,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.
“It may take us a while to fully recover from the effects of the pandemic and we want to extend all possible assistance to our constituents until then,” dagdag niya.
Ang isa pang batch ng mga benepisyaryo ang inaasahang ma-validate at mabibigyan ng livelihood assistance sa susunod na buwan.
Ang Navo-Ahon Ayuda ay bahagi ng serye ng pandemic recovery programs na inihanay ng pamahalaang lungsod para sa mga Navoteño.
Noong Pebrero at Marso ngayong taon, humigit-kumulang 2,500 kwalipikadong indibidwal at may-ari ng negosyo ang nakatanggap din ng tulong na pera sa ilalim ng programa.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON