November 19, 2024

MAS MARAMING FILIPINO, LUMALA ANG PAMUMUHAY – SWS

Tatlo sa bawat sampung Filipino ang nagsasabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Isinagawa ang survey simula sa June 26 hanggang 29, sa mga huling araw ng panunungkulan dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumalabas sa survey na 31 percent sa adult Filipino  ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay, 29 percent naman ang bumuti habang 39 percent ang hindi nagbago.

Tinawag sila ng survey firm, bilang “losers” “gainers” at ” unchanged”. Ang covid19 pandemic ang lubos na nakaapekto sa datos dahil nagsimulang bumagsak ang net gainer score nang magkaroon ng lockdowns.