November 19, 2024

BOC HANDA NA PARA SA FULL IMPLEMENTATION  NG AEO PROGRAM

Lumahok ang mga opisyal ng Bureau of Customs, sa pamamagitan ng Interim Authorized Economic Operator (AEO) Office, sa dalawang araw na Writeshop para sa pagbalangkas ng AEO Operations Manual noong Setyembre 6-7 sa F1 Hotel Manila, Taguig.

Ang pagbalangkas ng manwal ay naaayon sa mga pagsisikap ng Kawanihan na mapabuti ang istruktura ng organisasyon ng AEO, mag-set up ng mga mekanismo sa pagbabahagi ng impormasyon sa pagtalakay sa Mutual Recognition Arrangements, at pag-institutionalize ng validation, screening, at mga pagsasanay sa pagsusuri para sa mga opisyal ng AEO.

Ang International Trade Center (ITC) sa pamamagitan ng ARISE Plus Philippines Project, at ang BOC Project Team para sa Strengthened Trade Facilitation Capacity Building bilang focal point agency para sa Output 4 of the Project: ““Strengthened trade facilitation capacity to implement the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) and WTO Trade Facilitation Agreement (TFA)” ay tumulong sa aktibidad para tukuyin ang pang-araw-araw na operasyon at pamamahala ng BOC AEO program.

Sa nasabing Writeshop, tinalakay ni Mr. Dennis C. Pantastico, ITC AEO National Expert, ang mga rekomendasyong tinukoy sa Year 1 assessment report sa Philippine AEO Program, kabilang ang mga pambansang kasanayan, hamon, at pagkakataon tungo sa isang mahusay at dinamikong AEO Program sa Pilipinas.

Isinagawa ang isang breakout session upang tumulong na suportahan ang tatlong pangunahing yunit ng BOC AEO Office na ang Accreditation Unit, Post Validation Unit, at ang Mutual Recognition, Statistical at Records Management Unit upang maidetalye ang mga pamamaraan ng bawat unit, lumikha ng plano ng komunikasyon nito, at talakayin ang mga benepisyo at estratehiya upang ganap na maipatupad ang AEO Program.

Ibinahagi rin ng mga BOC AEO assessors  ang kanilang mga karanasan at natutunan mula sa serye ng on-site na mga aktibidad ng AEO Joint Validation sa ilalim ng ASEAN AEO Mutual Recognition Arrangement (AAMRA) na isinagawa sa Indonesia mula Hulyo 5-6, Thailand mula Agosto 8-9, at Malaysia mula Agosto 17-18.

“The AEO Program, which was introduced by the WCO, is a key driver for a solid Customs-to-Business Partnership and a secure, transparent, and predictable trading environment. It offers an opportunity for us to share our security responsibilities with the private sector, while at the same time providing them with a competitive advantage through additional facilitation benefits,” pagbibigay-diin ni Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz sa kanyang closing remarks.