Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang P2 million “seed money” para sa agri-business at tulong pinansiyal sa mga mahihirap na komunidad at mga indibidwal na labis na naapektuhan ng pandemya sa Calinog, Iloilo.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive and Sustainable Peace Alan Tanjusay ang ceremonial payout ng “Sustainable Livelihood Program’s Seed Capital Fund and Livelihood Assistant Grant” ng naturang departamento sa pre-identified beneficiaries.
“DSWD gave P300,000 each to five associations that are part of the town’s identified Conflict-affected and Vulnerable Areas (CVAs) and President Marcos’ commitment to continue to implement Executive Order 70 issued by former President Duterte which combine multi-agency effort to address grassroot poverty in poor communities in far-flung areas,” ayon kay Tanjusay.
Naglabas din ang DSWD, sa pakikipag-koordinasyon sa tanggapan ni Iloilo Governor Arthur R. Defensor Jr. at Senator Christhoper Lawrence “Bong” Go, ng P500,000 na halaga ng Livelihood Assistant Grant (LAG) sa 50 benepisyaryo ng munisipalidad.
Kabilang sa cash recipients na nakatanggap ng tig-P10,000 ay mga small scale business owners, agricultural vendors, indigenous people, solo parents, senior citizens at PWDs para pandagdag puhunan sa kanilang kabuhayan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
“These seed money will inspire these communities to rise up and proactively fight poverty caused by the pandemic. The infusion of seed money is also seen to slowly perk up the local economy in Calinog,” saad ni Tanjusay.
Matapos ang ceremonial payout, nakipagdayalogo si Tanjusay at program partners sa Binolosan Grande Livelihood Association sa Brgy. Binolosan Pequeo sa Calinog. Ang mga miyembro ay nag-aani ng mga lokal na saging na inihahatid at ibinebenta sa mga kalapit na munisipyo upang madagdagan ang kita ng pamilya.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga opisyal at miyembro para sa natanggap na tulong mula sa programa na nagbigay ng karagdagang income para sa mga miyembro ng asosasyon.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng Office of Governor Arthur R. Defensor, Provincial Social Welfare and Development Office, lokal na mga opisyal ng munisipalidad at technical staff ng Sustainable Livelihood Program.
More Stories
Gatchalian sa DOLE: Gumamit ng proactive approach para kanselahin ang permit ng mga dayuhang manggagawa ng POGO
MARCOS: MAGDASAL, MAGKAISA SA GITNA NG SUNOD-SUNOD NA KALAMIDAD
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS