November 2, 2024

MAGUINDANAO MAYOR  TIMBOG SA DOUBLE MURDER

DINAKIP ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Bangsamoro Autonomous Regional in Muslim Mindanao (BARMM) sa Davao City nitong Sabado ng hapon ang isang incumbent mayor sa Maguindanao dahil sa kasong two counts of murder na umano’y nangyari mahigit isang dekada na ang nakalilipas.

Si Mayor Khaddafe “Toy” Mangudadatu  habang nasa sa Davao Doctors Hospital. Photo courtesy: CIDG-RFU-BAR.



Dakong alas-4:15 ng hapon nang arestuhin si Pandag Mayor Khaddafe “Toy” Mangudadatu, 44, sa Royal Mandaya Hotel sa kahabaan ng Palma Street sa nasabing lugar, ayon sa CIDG Regional Field Unit sa BARMM.

Dinala si Mangudadatu sa Davao Doctors Hospital para sa agarang medical attention dahil sa pananakit ng dibdib at nahirapang huminga.

Inaresto si Mangudadatu sa bisa ng arrest warrant para sa two counts of muder dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pagpatay sa mag-asawang Abdulah Kanapia Ligawan at Lala Ligawan 12 taon na ang nakalilipas.


Ang arrest warrant, na may petsang Setyembre 9, ay inisyu ni Judge Samina Sampaco Macabando-Usman ng Regional Trial Court Branch 20 ng Tacurong City, Sultan Kudarat. “Not bailable” ang naturang kaso.

Kasama ng alkalde na nasa nalista sa warrant of arrest ay sina Zajid “Dong” Mangudadatu, Tunggal Usop and Mamayang Amino.

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG RFU ang naarestong alkalde na kapatid ni dating Maguindanao 2nd District representative Esmael “Toto” Mangudadatu