Nilagdaan ng Pilipinas at Singapore at ilang mahalagang kasunduan na inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa pagitan ng dalawang bansa.
Kasabay ito ng pagdalo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kaniyang state visit sa nasabing bansa.
Kabilang na rito ang memoranda of understanding (MOU) sa digital cooperation, data protection at recruitment ng Filipino healthcare workers.
Narito ang ilang bahagi ng mga kasunduan:
- Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology of the Philippines at Ministry of Communications and Information of Singapore sa field ng digital cooperation
- Joint Communiqué sa pagitan ng Department of Migrant Workers of the Philippines at Ministry of Health of Singapore sa recruitment ng Filipino healthcare workers.
- Memorandum of Understanding sa Cooperation in Personal Data Protection sa pagitan ng National Privacy Commission of the Philippines at Personal Data Protection Commission of Singapore;
- Memorandum of Understanding ng Bases Conversion and Development Authority of the Philippines at Enterprise Singapore para sa collaboratin sa business opportunities at development ng New Clark City;
- Memorandum of Understanding ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System of the Philippines at Public Utilities Board of Singapore sa water collaboration
- Arrangements sa pagitan ng Singapore Armed Forces at Armed Forces of the Philippines kaugnay ng Regional Counterterrorism Information Facility sa Singapore.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY