Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, si dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera bilang acting president at chief executive officer ng Clark Development Corporation (CDC).
Kinumpirma ng Office of the Press Secretary ang pag-appoint kay Devanadera sa isang statement ngayong araw (September 3).
Ang CDC ang nangagasiwa sa Clark Freeport Zone sa Central Luzon.
Pinamunuan ng 72-anyos na si Devanadera ang ERC mula 2017 hanggang sa administrasyong Duterte na natapos noong Hunyo 30. Nagsilbi rin siya bilang Justice Secretary at Solicitor General noong termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nakuha ni Devanadera ang kanyang law degree sa Ateneo De Manila University.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY