Nagsagawa ng tree planting activity ang Pitmaster Foundation Inc. sa Siniloan, Laguna.
Pinangunahan ito ni Pitmaster Executive Director, Atty. Caroline Cruz sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources at University of the Philippines.
Nakapagtanim ang naturang foundation ng 500 piraso ng Narra seedlings, 337 Mangosteen, 260 Rambotan, 10 Guava, 88 Avocado, 100 Marang, 89 Macopa, 10 Pili, 400 Bamboo, 15 Guyabano, 347 Lanzones, 2,000 Coconut tree at 2,500 Mahogany sa 250 hektaryang lupain sa nasabing lugar.
Welcome sa naturang foundation ang mga volunteer mula sa NGOs, academe, students organizations, individuals o government agencies para sa partnership na nakatuon sa reforestation at tiniyak na ang ecological benefits mula sa kagubatan ay mapakikinabangan ng mga Filipino at ng susunod na henerasyon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY