MULING pagkakalooban ng tulong pinansiyal ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga kasapi nito at mga pensioner na tinamaan ng bagyong Florita.
Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, muling bubuksan ang emergency loan program sa mga miyembro at pensiyonado na naninirahan sa mga binagyong lugar
Sinabi ni Veloso na ang mga kasapi na mayroon pang emergency loan balance ay maaari pa ring makahiram ng hanggangP40,000, upang mabayaran ang balanse sa emergency loan balance at makatatanggap pa rin ng maximum net amount na P20,000.
Ang mga kasapi na wala namang loan at mga pensioner ay maaaring maka-avail ng P20,000 loan.
Ang mga aktibong miyembro na nakatira o nagtratrabaho sa binagyong lugar, nakatatanda at may kapansanan ay maaari pa ring mag-apply ng loan sa sandaling maideklara ang lugar sa ilalim ng state of calamity.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?