INAPRUBAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang initial amount na P287.95 milyon bilang bahagi ng pangako ng administrasyong Marcos na kilalanin ang patuloy na pagsisikap ng gobyerno na suportahan ang mga dating rebelde at kanilang pamilya na muling mapasama sa lipunan at pagtatag ng bansa.
Ayon kay DSWD’s Inclusive and Sustainable Peace Undersecretary Alan Tanjusay na ang departamento noong nakaraang linggo ay naglaan para sa nalalabing anim na buwan ng taon ng kabuuang P287.95 milyon para sa sustainable, modified shelter assistance at cash-for-work program sa mga dating rebelde at decommissioned combatants.
Kabilang sa alokasyon ang pagpapatayo ng 150 shelter sa mga natukoy na barangay sa 13 regions kabilang ang nasa Zamboanga Peninsula, probisyon para sa livelihood grants at tulong sa mga dating rebelde at kanilang pamilya.
“This is President Marcos’ initial commitment to former rebels and former extremists and their families across various spectrums and persuasions including those in hard-to-reach communities in various regions who returned to the fold of the law and who wanted to live a normal, peaceful lives and help in nation-building,” saad ni Tanjusay.
Ito aniya ang una sa mga pangako sa ilalim ng moving forward na direktiba ni Pres. Marcos na ‘no one is left behind’ leadership instructions at ‘bawa’ t buhay ay mahalaga’ public service principle ni DSWD Secretary Erwin Tulfo.
Samantala, sa courtesy meeting noong Lunes kasama si Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez, pinagtibay ni Tulfo ang patuloy na suporta ng DSWD sa government peace programs at nangako na ipagpapatuloy ang pagbibigay ng financial, material at psycho-social programs sa mga dating rebelde at dating violent extremists at kanilang pamilya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY