Nag-aalok ngayon ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng housing loans na may mababang interest rate na nasa 4.895% sa mga bagong borrowers.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Vice President for Public Relations and Information Services Karin-Lei Franco-Garcia, ang promotional period ay magtatagal hanggang Disyembre ngayong taon.
Aniya, mababa na interes ito kumpara sa dati nilang inaalok na nasa 5.3%.
Sa ilalim ng promotional loan, ang 4.895% per annum ay mayroong one-year repricing period.
Maaari ding mag-avail ang mga borrowers ng 5.375% per annum interest rates sa ilalim ng three year repricing period.
Paglilinaw ni Garcia, sakop lamang nito ang mga bagong borrowers at hindi ang mga dati nang nanghihiram.
“We review our rates regularly and have never repriced it upward under the Duterte administration. Our ever-improving quality of portfolio has allowed us to keep the rates low under our Risk-Based Pricing Model. But this time, we are offering something special. In consideration of the impact of the pandemic on the livelihood of our members, we reduced our home loan rates by as much 100 basis points for the next six months because we want to help members who are thinking of buying a home to take advantage of our lower-than-lowest rates. Even amid the pandemic, now is the best time to buy a home with a Pag-IBIG Housing Loan,” dagdag pang paliwanag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY