November 24, 2024

2 huli naaktuhan sumisinghot ng shabu sa loob ng kariton sa Navotas

SHOOT sa kulungan ang dalawang kelot matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Northern NCR Maritime Police chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong mga suspek bilang sina Felix Serdan Jr, 47, stevedore at Richard Lorehas alyas “Macoy”, 35, garbage scavenger at kapwa homeless.

Sa report ni PCpl Aldrin Sacopon kay PCOL Oliver Tanseco, hepe ng RMU-NCR, habang nagsasagawa ng patrol operation ang mga tauhan ng Maritime police sa pamumuno ni PEMS Narciso Hicanay, kasama sina PSMS Redentor Quiñones, PSMS Rummel Glorianne, PCpl Roger Babiada, Pat Joey Velarde, Pat Ecequiel Fabillar at Pat Samboy Pandi sa Banyera St , Navotas Fish Port Complex (NFPC), Brgy. NBBN dakong ala-1:00 ng hapon.

Dito, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng umano’y shabu sa loob ng isang nakabukas na kariton.

Hindi na nagawang makatakas ng mga suspek matapos silang paikutan ng mga pulis saka inaresto at narekober sa kanila ang isang heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.