
Itinalaga si real estate magnate Jose “Jerry” Acuzar bilang bagong housing czar sa bansa.
Pinili ni Pangulong Ferdinand Marcos si Acuzar para magsilbi bilang bagong kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Nanumpa si Acuzar sa Pangulo sa Malacañang kasama ang kanyang pamilya.
Ang bagong departamento, na nilikha sa pamamagitan ng nilagdaang batas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay ang central authority na namamahala sa housing, human settlement at urban development. Pinagsasama nito ang mga tungkulin ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).
Nagsilbi si Acuzar bilang chairman ng New San Jose Builders Inc., isa sa pinakamalaking housing at condominium developers. Siya rin ang may-ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar resort sa Bagac, Bataan.
Siya ay bayaw ni dating Executive Secretary Paquito Ochoa.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)