November 24, 2024

MUSIC VIDEO TUNGKOL SA ‘SUICIDE PREVENTION’ NA PINAGBIDAHAN NG YUMAONG WWE DIVA, NA-RELEASED NA

Pagkatapos kitlin ang sariling buhay noong Mayo 2019 sa edad na 39, bumida muna sa isang music video patungkol sa suicide prevention si dating WWE Diva Ashley Massaro.

Ang nasabing video ay nakatakdang i-release pagkatapos na ang artists nito ay nakatanggap ng basbas sa pamilya ng yumaong wrestler. Bagama’t na-post na sa Facebook ang video noong Sabado, nais ng ina ni Ashley na ma-isahimpapawid ito sa telebisyon.

When the Massaro family gave us their blessing, it was time,” pahayag ni Brian Orlando,isang  morning show host at assistant program director sa Long Island radio station 94.3 na The Shark, ( kung saan naging weekly host din si  Massaro), sa New York Post. 

 “But it’s still bittersweet.”

Ang nasabing music video ay kinunan noong Disyembre 2018 at Enero 2019 kung saan tampok ang kantang ‘Choose Song’ na isinulat ni Orlando. Isinulat ni Orlando ang kanta pagkatapos na pumanaw ang kanyang musical hero na si Chris Cornell, bokalista ng grupong Soundgarden  noong 2017

 “The idea of the song is that with music, you are never alone,” saad ni Orlando, na nagsabi kay Massaro na nais niyang maging bahagi ito ng music video.

A few weeks before we were set to launch the entire thing, Ashley fell victim to her battle with depression,” aniya..

I was crushed that I lost my friend and the entire project just felt gross at that point. From time to time I would think about it, but it just didn’t seem right.”