PATAY ang tatlong katao sa naganap na pamamaril sa loob ng compound ng Ateneo De Manila University o ADMU sa Quezon City.
Ayon kay QCPD District Director PBGen. Remus Medina, ang isa sa napaslang ay nakilalang si Rose Furigay na dating alkalde ng Lamitan City Basilan.
Kasama rin sa namatay ang executive asisstant ni Furigay na si Victor Capistrano at isang guwardiya ng Ateneo Univeristy na nagbabantay sa Gate-3.
Nabatid kay Medina, ang suspek ay isa ring residente ng Lamitan City, Basilan na kinilalang si Chao Tiao Yumul na nananatili sa isang medical facility matapos masugatan sa insidente.
Sugatan naman ang anak ng dating alkalde na si Hannah Furigay na isa sa mga magtatapos sa Ateneo Law School.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng QCPD sa nangyaring pamamaril habang inaalam na rin nila kung paano nakapasok sa loob ng uniberisdad ang suspek.
Samantala, hindi na rin natuloy ang pagiging guest speaker ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa ADMU Law School Graduation kaninang hapon.
Ayon kay Atty. Brian Hosaka, ang chief ng Public Information Office ng SC, nasa sasakyan pa ang Punong Mahistrado nang maganap ang pamamaril at pinayuhan na lamang na huwag nang tumuloy.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY