Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng officer-in-charge ng ahensya na si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na manghingi ng pera.
Sa isang advisory, sinabi ng DOH na nakatanggap sila ng mga ulat tungkol sa isang pekeng dokumento na humihiling ng “tulong at paghingi ng mga donasyon sa pagsasagawa ng umano’y nationwide medical mission.”
Ang pekeng dokumento ay naglalaman ng pirma ni Vergeire.
Hiniling ng DOH sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa opisyal na website at social media platforms ng ahensya.
Para aniya sa tama at verified information mula sa kagawaran, lahat umano ay e-refer sa DOH sa pamamagitan ng kanilang Facebook at Twitter.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY