
YUMANIG ang 4.6 na lindol sa Masinloc, Zambales na naramdaman naman sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs), may lalim ang lindol na 40 kilometro at may lokasyon na 7 kilometro katimugan, 88 degrees kanluran ng Masinloc, Zambales.
Naramdaman ang Intensity IV sa Iba, Zambales; Intensity III sa Infanta, Pangasinan; Olongapo City, Zambales; Intensity II sa Quezon City; Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan; Subic, San Antonio, Zambales.
Intensity I naman sa Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Quezon City, Navotas City, Metro Manila; San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Basista, Bolinao, Pangasinan; San Francisco, Quezon; Tarlac City, Tarlac.
Hindi naman inaasahan ang aftershock.
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon