Muling nabuhay ang usapin tungkol sa sinasabing mga multo sa Mabini Hall, isa sa mga gusali ng Malacañang Palace kung saan nahulog mula sa 4th floor at namatay ngayong araw ang isang empleyado na si Mario Castro.
Minsan na ring binanggit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang sinasabing multo ang dahilan kung bakit hindi siya natutulog sa Malacañang.
Hindi lamang si Digong ang unang opisyal na nagsabi sa publiko hinggil sa kuwento ng ligaw na espiritu.
Maging ang ibang presidente at ilang trabahador ay nagkuwento rin sa kanilang karanasan.
Inihalimabawa nila ang pagbukas at pagsara ng pinto at glass door nang kusa. Nililipad ang pantabing o kumot bagaman walang gumagalaw nito.
Ayon sa kuwento, isang kawani ang nagbigti sa opisina ng isa sa mga direktor sa ikatlong palapag ng Mabini Hall.
Naganap ang umano’y pagpapatiwakal ng nasabing empleyado noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kaninang tanghali isang empleyado ng Information Communication Technology Office (ICTO) ang napaulat na namatay matapos mahulog sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall.
Iniimbestigahan na ng Presidential Security Group at PNP Security Force Unit ang insidente at tinitingnan ang posibilidad na sinadyang tumalon ng biktimang si Mario Castro mula sa ikaapat na palapag ng Mabini Hall, ayon sa report ng Philippine News Agency.
“The Presidential Security Group and the PNP Security Force Unit are jointly investigating the unfortunate incident. We in the Office of the Press Secretary are sending our deepest condolences to Mr. Castro’s family and loved ones,” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Huwebes, Hulyo 14.
Si Castro ay isang administrative aide ng ICTO, na nasa ilalim ng Office of the Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY