November 24, 2024

Gabriela tutol bigyang proteksyon ang mga ‘ander de saya’

Tinutulan ng Gabriela party-list ang panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon ang mga ‘ander de saya’.

Ayon kay Rep. Arlene Brosas, nanindigan ang Gabriela na hindi na kailangan magpasa ng batas na magpoprotekta sa mga mister mula sa mga nananakit na mga misis dahil maari umano siyang maghain ng kasong physical injury.

“Amending the Anti-Violence Against Women and Children by including men as possible victims of domestic violence trivializes the fact that an overwhelming majority of victims of domestic violence are women,” wika ni Brosas.

Ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, sinabi ni Broas na isa sa apat na Pinoy na may edad 15-49 ay nakararanas ng pisikal, emosyonal o sekswal na pang-aabuso mula sa kanilang asawa o partner.

Aniya, noong 2020, umabot sa higit 11,000 ang naitalang bilang ng kaso ng violence against women and children sa Pilipinas. “This data is just the tip of the iceberg, considering that not all victims report their abusers due to fear of retaliation,” dagdag niya.

Umapela si Brosas sa kanyang mga kasama sa Kamara na irekonsidera ang panukala at sumama na lamang sa panawagan na amyendahan ang Anti-VAWC Law para maisama rito ang electronic violence laban sa kababaihan at kabataan na isang punishable crime.