Magkakaroon ng karagdagang $200 bilyon na kita ang gobyerno mula sa mga export sakaling matuloy ang panukalang Bulacan Airport Economic Zone, ayon kay SMC President and Chief Executive Officer Ramon S. Ang.
Isinagawa ni Ang ang pahayag matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na lilikha sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport.
Binanggit ni Marcos ang “malaking panganib sa pananalapi” at “kakulangan ng pagkakaugnay sa mga umiiral na batas” bilang mga dahilan sa pag-veto sa panukalang batas, na itinaguyod ng kanyang kapatid na si Senator Imee Marcos.
Sinabi ni Ang na ang iminungkahing ecozone ay magiging tahanan ng science at technology export hubs na magkakaroon ng pinakamurang logistic cost.
“We are looking to attract world-class semiconductor manufacturers, battery power storage system manufacturers, electric vehicle makers, and even modular nuclear power assemblies and other new and emerging tech industries,” ayon kay Ang.
“We estimate these industries alone will add some US$200 billion in annual exports—a big boost to our GDP,” dagdag niya.
Sinabi ni Ang na makikipagtulungan ang San Miguel Corporation sa administrasyon para mapabuti ang panukala.
“The Bulacan economic zone, if approved, would be managed by the Philippine government, and any tax incentives to be given to investors will still pass the Department of Finance’s Fiscal Incentives Review Board (FIRB) review and approval process, to ensure these are aligned with the CREATE Law,” dagdag ni Ang.
Ang Bulacan airport ay isang unsolicited proposal mula sa conglomerate ni Ang na inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Taliwas sa pahayag ni Marcos, sinabi ni Ang na ang mga pangmatagalang benepisyo ng ecozone ng Bulacan ay “malayong mas matimbang” sa mga nakikitang pagkalugi sa pamamagitan ng mga tax break na ibinibigay sa mga potensyal na locators, tulad ng libu-libong mga bakanteng trabaho.
“Incentives are a way for government to attract much-needed investments into our country, especially now that we are all pulling together to help our economy not just recover, but continuously grow in the post-pandemic era,”dagdag niya.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE