November 5, 2024

LUCKY 8 STAR QUEST NAKAPAG-REMIT NG P2.6B SA GOV’T, NAKAPAG-DONATE NG P1B SA PAMAMAGITAN NG PITMASTER

BUKOD sa isa sa pinakamalaking taxpayers sa bansa na may P2.6 billion na nai-remit sa pamahalaan sa buwis (P985 milyon) at Philippine Amusement and Gaming Corp. fees (P1.64 bilyon) sa loob lamang ng isang taon at kalahati na operasyon, nakapag-donate ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng mahigit sa P955 milyon mula sa iba’t ibang programa, tulad ng COVID-19 response at vaccination, hospital equipment at rehabilitasyon, disaster at hunger relief, livelihood assistance at iba pang program.

Bukod sa malaking kontrobusyon sa government efforts upang pondohan ang COVID-19 response, nagsagawa din ang Lucky 8 Star Quest ng napakalaking charity work program nito sa pamamagitan ng corporate social responsibility (CSR) arm nito na Providing Indigents with Timely Medical Assistance Services and Targeted Emergency Relief o ang Pitmaster Foundation Inc.

Bagama’t pormal na itinatag noong Nobyembre 2020, nagsimula ang Pitmaster sa pamamahagi ng tulong sa mga indibidwal at mga komunidad sa buong bansa noong 2016, at lalo na noong maganap ang Taal Volcano eruption taong 2019.

Likas na kay Lucky 8 Star Quest vice president at Pitmaster Foundation chairman Atong Ang ang pagtulong sa mga tao lalo na noong kabataan niya subalit naalala niya lang ito kapag mayroong lumalapit at nagpapasalamat sa kanyang kabutihang-loob.



Sa ilalim ng liderato ni Chairman Ang – kasama si Pitmaster Foundation executive director, Atty. Caroline Cruz, at iba pang miyembro ng board of directors,  ang foundation ng Lucky 8 ay patuloy na tumutulong sa pagsisikap ng Duterte government at nangako na mananatili na buong susuportahan ang mga plano ng Marcos administration.



Kinilala ang foundation bilang isa sa most generous at effective private-sector contributors sa pagtugon ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ang karagdagang pagpapatunay ng charitable community work ng Pitmaster Foundation ay ipinakita sa pamamagitan ng mga nagawa nito sa pandemya, volcanic eruption, mga bagyo, sunog at baha.