Pumayag si Darius Garland ng Cleveland Cavaliers na kumagat sa largest NBA contract sa franchise. Magbubulsa ang 22-anyos na guard ng 5-year, $193 million contract extension. Na aabot din aniya sa $231 million, pahayag ni Klutch Sports CEO Rich Paul sa ESPN.
Mayroong average career-high total points si Garland na 21.7, 8.6 assists. Kasama na rin ang 3.3 boards at 1.3 steals. Nakapagbuslo rin siya ng career-best na 174 3-pointers sa 68 games (all starts) last season.
Napasama rin siya sa first All-Star team naging finalist para sa NBA’s Most Improved Player award. May average siyang 17.4 points, 6.3 assists at 2.1 boards sa 181 career games (177 starts) sapol ang lambatin ng Cleveland. Nalambat siya bilang fifth overall pick noong 2019 NBA Draft.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo