Siniguro ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tatatak sa sambayanan ang kanyang unang talumpati bilang pangulo.
Ngayong Huwebes, ganap nang naging presidente ng bansa si Marcos matapos manumpa kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Sa kanya namang talumpati, muling ipinahayag ni Marcos ang mensahe ng kanyang kampanya – ang unity o pagkakaisa.
“I extend my hand to all Filipinos… We are here to repair a house divided,” aniya.
“We are one Filipinos, one nation, one republic indivisible. Let us all be part of the solution we choose,” wika pa ng bagong pangulo. “Always be open to different views but ever united on our chosen goal.”
“Your dreams are mine. Pangarap niyo ay pangarap ko,” diin pa ni Marcos. Matapos ang kanyang talumpati ay dumagundong ang hiyawan at palakpakan sa National Museum grounds.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY