Binati ng Manila North Royal Eagles Club sa pamumuno ng kanilang Charter President Kuya Eagle ConCon Domado si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr matapos manumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.
“The Manila North Royal Eagles Club with its Charter President Kuya Eagle ConCon Domado Congratulates President Elect Kuya Eagle Ferdinand Romualdez Marcos Jr.! The 17th President of the Republic of the Philippines. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pangulo! Mabuhay ang Agila!” ayon sa post sa Facebook ni Domado.
Si Bongbong ay anak ni dating Pangulong Marcos Sr., na naging pangulo ng bansa mula 1965 hanggang sa mapatalsik siya sa puwesto noong 1986 sa People Power Revolution.
Bago naging pangulo, nagsilbi si Marcos bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Naging kongresista rin siya ng Ilocos Norte mula 1992-1995 at 2007-2010.
Naging gobernador ng Ilocos Norte mula 1983-1986 at 1998-2007, at vice governor ng lalawigan noong 1981-1983.
Si Bongbong ay miyembro ng Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY