Swak sa kulungan ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan na papatayin ang isang mekaniko sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 282 of RPC (Grave Threats) at RA 10591 ang naarestong suspek na kinala bilang si Orlando Pormocille, 23 nh Tanigue St., Brgy. 14, Caloocan City.
Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10:30 ng gabi, nasa kahabaan ng Lapu Lapu St., Phase 1 A, NBBS Proper, Navotas City si Ryan Estrera, 39 ng Takino St. Brgy. Bangkulasi nang biglang lapitan ng suspek sabay minura at pinagbantaan na papatayin.
Matapos nito, umalis ang suspek subalit makalipas ang ilang sandali ay nagbalik ito na armado ng baril sabay tinutukan ang biktima at sinabihang “Papatayin na kita ngayon dito”.
Ilang bystander sa lugar ang nakakita sa pangyayari at tinulungan ang biktima saka pinigilan ang suspek hanggang sa magawa nilang makuha ang hawak nitong baril.
Dumating naman ang rumespondeng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni PCAPT Melody Manlubatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober ng mga pulis ang isang Cal. 38 pistol na kargado ng tatlong bala.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY