November 24, 2024

AYUDA DAPAT SA MAHIHIRAP LANG – TULFO (Middle class tablado)

TUTOL si incoming senator Raffy Tulfo na bigyan ng ayuda ang mga ‘middle class’ o ‘yung mga hindi bababa sa P21,000 kada buwan ang kinikita.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tulfo na ang dapat lamang bigyan ng tulong ng gobyerno ay ‘yung mga nasa poverty line na lubos na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng bilihin.

“Dapat ang targetin ng ating pamahalaan na mabigyan ng ayuda, yung mga nasa poverty line. Huwag ‘yung middle class.” ani Tulfo.

“The middle class can take care of themselves, I’m sure.” dagdag pa niya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority ay tatlo sa kada 20 na household ay maituturing na middle class.

Samantala ay nasa 10.9-M na Pilipino ang itinuturing na sila ay mahirap.

Pumalag naman ang mga netizens sa pahayag ni Tulfo na sumikat dahil sa kanyang programa na Raffy Tulfo in Action.

“Oo para kapag hindi natulungan ang middle class ay maghihirap sila at mapupunta na rin sa poverty line at para mas dumami ang nasa poverty line.. mas madaming tao sa poverty line mas madaming budget ang…” sabi ni Andrew Olivar.

“Dapat targetin natin yung mga nasa poverty line.. dapat gawin natin silang content sa youtube? Ganurn dapat ata noh mister senator?” dagdag pa nito.

“The middle class pay their taxes, I’m sure.” komento naman ni Chari Bacay.

“Middle class people are living within “Goldilocks Zone”. Very vulnerable to poverty (more vulnerable than anyone else). Move them somewhere in between, they won’t be able to sustain themselves just like the position of the earth in the solar system,” wika ni Royce Sarmiento.