UMABOT na sa 204 na katao ang naaresto sa pitong araw na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations ng Batangas Police Provincial Office na sinimulan noong Hunyo 17, 2022.
Ayon sa ulat ni PCol. Glicerio Cansilao, Provincial Director Batangas PPO, kay PBGen. Antonio Yarra, Regional Director PRO Calabarzon, nasa 53 wanted persons ang nahuli ng mga operatiba ng Batangas PPO sa bisa ng mga inihaing warrant of arrests. Dalawampu’t anim dito ay tinaguriang Most Wanted Persons (MWP) na kinabibilangan ng apat (4) na Regional Level, limang (5) Provincial Level, at pitong (7) City/Municipal Level.
Sa 84 operasyon kontra iligal na droga, 90 drug personalities ang arestado at tinatayang 90.16 gramo ng shabu at marijuana na may kabuuang P498,413.04 halaga ang nakumpiska sa pitong araw na operasyon. Kabilang sa mga naarestong drug personalities sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Lipa City Police Station ay mga miyembro ng sindikato na nakilalang si Percival Topado y Cadiz, @Sibal ng Yago Drug Group dakong alas 10:00 ng umaga noong June 21, 2022 sa Sitio Sto. Toribio, Bypassroad, Brgy. Marawoy, Lipa City. Isa na rin dito si Alvin Buenavista y De Chavez ng Antonio Camo Gun for Hire Group na nahuli bandang alas 9:45 ng umaga noong June 22, 2022 sa Brgy. Mataas na Lupa, Lipa City, Batangas.
Ayon kay Yarra, sa 58 operasyon naman kontra iligal na sugal, umabot sa 58 indibidwal ang nahuli at tatlong katao naman ang nadakip dahil sa iligal na pagmamay-ari ng baril.
“Pinupuri ng Batangas PNP ang matagumpay at patuloy na pagsasagawa ng SACLEO sa probinsya ng Batangas,” saad ng heneral.
Nagpapakita din anya lamang ito na ang buong pwersa ng PNP ay totoo sa paggampan sa kanilang mga tungkulin para labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad sa kanilang AOR.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY