Asahan na ang panibagong pagtaas ng presyo ng diesel sa susunod na linggo gayundin sa presyo ng gasolina na posibleng magkaroon ng umento o roll back base sa forecasts o pagtaya mula sa mga kompaniya ng langis.
Inaasahan na tataas ang presyo ng diesel ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro habang sa presyo naman ng gasolina posibleng magkaroon ng roll back na P0.05 kada litro.
Ayon sa Fuel company na unioil, ang presyo ng diesel para sa June 28 hanggang July 4 ay posibleng magkaroon ng umento na P1.20 hanggang P1.40 kada litro at sa presyo ng gasolina ay maaaring may umento na P0.10 hanggang P0.20 kada litro.
Nauna ng inihayag ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Atty. rino Abad na maaring tumaas ang presyo ng diesel at kerosenen sa susunod na linggo dahil sa mahinang halaga ng Philippine peso kontra dolyar. Sa presyo naman ng gasolina, maaaring manatili ito o psible din na magkaroon ng bahagyang roll back.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM