November 3, 2024

1M TONELADA NG BASURA NAHAKOT NG SMC SA TULLAHAN RIVER

NAGTAGUMPAY ang San Miguel Corporation (SMC) sa layunin nito na matanggal ang higit sa 1 milyong metrikong tonelada ng silt at solid waste mula sa kahabaan ng Tullahan River na mas maaga sa itinakdang schedule ng Department of Environment and Natural Resources.

Nitong Hunyo 20, umabot sa 1,029,257 metric tons ng silt at waste ang nahakot ng cleanup teams ng SMC, halos katumbas ng aabot sa 70,000 dump trucks.

Dahil natugunan na nito ang kanilang target, malapit nang umabante ang SMC sa susunod nitong misyon: ang linisin ang ilog na kabilang sa Marilao-Meycauyan-Obando River System (MMORS) sa Bulacan.

“We thank the DENR for its trust and confidence in our ability to get the job done. Despite the pandemic that delayed and limited our cleanup operations, we were determined to accomplish our objectives, which included removing silt and waste, increasing the river’s width and depth in shallow sections, improving navigability, and helping restore marine line,” wika ni SMC president and CEO Ramon S. Ang.

“What is critical now is getting all stakeholders to keep the river clean and free of garbage. This requires all of us working together. We can either go big or take small steps and build on our own individual efforts to manage our consumption and waste generation. What’s important is we start now,” dagdag ni Ang.

Sinimulan ng SMC ang P1-billion Tullahan program kasama ang DENR noong Pebrero 2020, upang umakma sa kasalukuyang Manila Bay rehabilitation project. Gayunpaman, naantala ang trabaho dahil sa pandemya at nagsimula lamang noong Hunyo, matapos luwagan ang pandemic restrictions.

Isa lamang ang SMC sa mga kompanya na tumugon sa panawagan ng DENR sa pribadong sektor na linisin ang mga sangang-ilog patungo sa Manila Bay, dahil ito ay tinutukoy na major sources ng solid waste, kabilang na ang mga plastic.

Isinagawa nang kompanya ang proyekto na walang gastos mula sa gobyerno o sa taxpayers, at bahagi ng mas malaking sustainability initiative upang linisin ang mga pangunahing daluyan ng ilog at coastal areas sa buong Luzon – upang makatulong na maiwasan ang epekto ng climate change, partikular na ang pagbaha.

Sa ngayon, malaki ang naitulong ng clean-up drive ng SMC sa Tullahan River nang maramdaman na nabawasan ang matinding pagbaha sa Navotas, Malabon, Valenzuela at Caloocan.

Lumalabas sa hydrographic o depth survey na isinagawa bago at pagkatapos ng dredging, na ang mga bahagi ng ilog na dati ay may sukat lamang na isa hanggang tatlong metro ang lalim, ngayon ay higit sa tatlo hanggang limang metro ang lalim.

Ang pataas ng lalim ay nagpabuti sa daloy ng ilog at kapasidad para umagos ang tubig-baha palabas sa Manila Bay. Sa nakalipas na dalawang taon, ang mga lugar sa paligid ng ilog ay napaulat ng mas kaunting insidente ng matinding pagbaha. Sa tuwing may anumang pagbaha, ang tubig ay naobserbahang mas mabilis na humupa kaysa dati.

Samantala, ang trabaho na linisin ang MMORS sa Bulacan ay nakatakda ngayong buwan. Ang inisyatiba ay bahagi ng comprehensive flood mitigation measures para sa lalawigan ng Bulacan, na kasama sa New Manila Internationals Airport (NMIA) at Airport City projects.